banana man.. (gawa sa saging latundan)

Sunday, January 29, 2006

it's complicated (revised edition) dahil di bagay sa akin ang magdrama..



"it's complicated"

nang makita ko ito sa profile ng aking iniirog. isa lang ang naibulong ko sa sarili ko..

"tangina.. sabi ko na nga ba.."

hindi ko alam na napakalakas pala ng magiging impak nito sa akin. Iba ibang pakiramdam ang naramdaman ko. Gulat, lungkot, nauhaw, nagutom, parang gusto umiyak pero pinipigilan hanggang kusa na lang tumulo ang luha sa aking mga mata at ang ikinagulat ko..-- nangati ang aking puwet. (hindi ako nagpapatawa.. seryoso ako..)

nun mga nakaraang araw parang ayaw ko na ata tumitingin sa profile nya. hindi sa ayaw ko makita ang mukha nya, o ayaw kong basahin ang mga testimonials sa kanya ng mga kaibigan namin at ng mga kaibigan nya na sa kwento ko lang nakikilala. pero ayaw ko lang na makita na baka iniba nya na bigla ang status nya. oo tama status nga. ako kasi ang nagsabi na ibahin nya na yun. simula ng makamit ko ang matamis, masarap at malinamnam na "oo". nagkamali pala ako..


sa totoo lang minsan naisip ko kung nagbubulagbulagan na lang ako o talagang tinitiis ko na lang. kahit kelan hindi ko pinakita na nalungkot ako. na kahit papaano nasasaktan ako (hanggang ngayon nga parang naiilang pa rin ako aminin na nasaktan nga ako pero nasaktan talaga ko. paulit ulit ba?). ah, hindi pala kahit papaano.. talagang nasaktan ako. minsan kasi pakiramdam ko parang sinisiksik ko na lang ang sarili ko sa kanya.. gusto ko sabihin sa kanya "tangina.. mahalin mo na ako sige na!" pero hindi naman pwedeng ganon?.. sa totoo lang magulo talaga kami, minsan okey naman minsan kahit kaunting "okey" parang wala. hindi lang iisang beses na pumasok sa isip ko na siguro nga talagang ayaw nya lang sa 'kin. nakakatawa pero humantong naman kami sa sagutan pagkatapos ng mahabang ligawan. oo tama ligawan nga..

naisip ko, hindi ko ba siya maiwan dahil pakiramdam ko kelangan nya ko o hindi ko siya maiwan dahil sya ang kelangan ko??..


minsan nasabi ko sa kanya---


"wag kang iiyak, mas bagay kasi sa iyo ang nakangiti. mas maganda ka pag naka smile dyan nga ko nainlab sa iyo. at malamang yan din ang dahilan kung bakit marami pa ang naiinlab sa iyo"

nakita ko siyang ngumiti noon. para kong humithit ng isang kilo ng mariwana. heaven ang feeling pare! siguro medyo may kasamang bola kung iisipin ng iba pero yun talaga ang gusto ko sabihin sa kanya non.


at minsan nasabi ko ulit sa kanya..---


"wag ka iiyak.. dahila ayaw kita nakikitang malungkot. dahil mas nalulungkot ako. ayaw din kitang nakikitang nasasaktan dahil mas nasasaktan lang ako.. kaya naman kung nahihirapan ka na sa akin sabihin mo lang dahil kung ako lang ang dahilan kung bakit ka nahihirapan at kung ginagawa ko lang kumplikado ang mga bagay para sa iyo.. ---sige aalis na lang ako."

kaya naman siguro ganon na ang ginawa ko.. (tangina ka pel!)

pero para lang makita ko sya na hindi nahihirapan. kahit sobrang hirap para sakin. kahit na ayoko. kahit na mawawala ko un inspirasyon ko. kahit na mawawala ko un nagpapasaya sakin ng sobra. kahit na mawawala ko un lakas ko na parang umiinom ako ng enervon araw araw.. kahit mawawala ko un nagpapatawa sakin na kahit nakatulala lang ako sa kawalan at walang tinitingnan ay natatawa ako at napapangiti ng walang kadahilanan na ilang beses na ata akong napagkakamalang mayroong tililing sa utak.. na kahit mawawala yun nag iisang taong nagpapa-eksayt sa akin na pumasok sa eskwela kahit walang gagawin o kahit walang pera. kahit mawala ko un nagpapagaling sa kin sa basketball na feeling ko kayang kaya ko dakdakin ang bola kahit ga-piso lang ang aking talon.


wag ko lang sya marinig na---

"..fel nahihirapan na kasi ako"

ayaw ko.. ayaw ko talaga.. kaya naman ang sabi ng isang kaibigan ko..-- "hayup! parang telenobela ah!" naalala ko pa si claudine pagkasabing pagkasabi nya..


dapat matuwa na ako. dahil wala nang magpapainis sa akin. wala nang manggigising ng maaga kahit gusto ko pa matulog. hindi na iinit ang ulo ko sa bahay tuwing mamimiss ko siya dahil wala na dapat akong mamiss. dahil makakapag-ipon na ko dahil hindi ko na kailangan pang maglod araw araw. hindi ko na kailangan pa magising ng sobrang aga para lang itext siya na kumain na at mag-ingat sa pagpasok.

dapat matuwa pa ako... dapat matuwa ako.. matutuwa ako.. natutuwa ako.. masaya ako.. dapat masaya ako.. sobrang magiging masaya na ako. dapat.. dapat.. hahahahahahaha! sobrang saya ko!! dapat masaya ako--- ahhhh.. malungkot ako..


"bakit ano ba siya syo?"

tanong ng isa kong kaibigan..

ang sabi ko..

"buhay..."

tapos sabay ngiti..



waw! buhay! naelibs pa ako sa sarili ko ng marinig ko ito na nanggaling sa akin. pero ngayon parang hindi na ata ako sigurado. siguro masyado ko malungkot ngayon.. naiinis.. galit ba ako? hindi ko alam. siguro nasaktan lang. mahal ko pa ba siya? oo naman.. oo naman. galit ba ako sa kanya? hindi siguro. oo siguro. hindi ko alam, magulo mundo ngayon. kung pwede na lang sana ilabas ang puso.. kumuha ng pambura o kaya ng mongol #2.. burahin ang pangalan nya.. sumulat ng bago, yun may magandang ngiti dapat at magaling magshorts, balingkinitan, maliit lang, payat, maganda, sobrang ganda.. tapos piliin mo na yun may gusto na sayo para sigurado..

walang masasaktan..
walang iiyak..
walang maguguluhan..

parang gusto ko na muna umalis sa mundo ko. pero bakit parang nakagapos pa ko. masama bang magtanong kung talagang pag-ibig ay totoo. o para lamang sa mga piling tao. sa totoo lang gusto ko na tumakbo. tumakbo hanggang sa dulo ng mundo. o kaya naman isa na lamang sanang panaginip. tama.. isang panaginip..

gising na pel! gising na pilo! binabangungot ka.. binabangungot ka! ay hindi! totoo na pala.. -----


nilalambot ako maglakad.. siguro bukas na lang..
pag sinipag ako malamang ituloy ko pa to.. medyo inaantok na talaga ko..
kelangan na matulog.. muna..


parang ayoko na yata..




0 Comments:

Post a Comment

<< Home