banana man.. (gawa sa saging latundan)

Friday, September 22, 2006

tuwing umuulan..







---Buhos na ulan, aking mundo'y lunuring tuluyan

at sa pag-agos mo, isama mo ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko'y umaapaw, Damdamin ko'y anurin sa luha
Tuwing umuulan mangangarap na lamang na kapiling ka..----



~

masarap pa ring maligo sa ulan paminsan minsan. parang bumabalik ka sa nakaraan, sa yong kabataan. kung saan inosente ang lahat kasamang mga laruanng tau-tauhang nagliliwaliw sa isipan. walang problema, mas maraming saya. iiyak ng sandali mamaya tatawa na. mas kinakatakutan pa ang sugat na makukuha sa twing madadapa. sugat na masakit lang habang sarwa. . ang problema lang sa ulan, sa pagbalik ng nakaraan kasama lahat pati mga bagay na nais ng kalimutan ng ating isipan..



0 Comments:

Post a Comment

<< Home